Wala akong mailagay.


Ako si klyde. :)

18 years of age.
i love to drink. i do smoke.
I post anything i want to post here.
I'm simple and easy to talk with.
I'm open-minded too so you can say whatever you want to say.

July 21 1993

If there's anything you want to say or talk to me about, just ask. :O

Ask anything. ANYTHING. ;)
Others might not believe it, or even all of you, but I answer anon questions 100% no matter what. I think it won't make that much of a difference so, yeah. Don't mind and just ask the hell outta me.

WARNING.
STONERS at the site.

»
theme by coryjonny
powered by tumblr
Tatanggapin nalang.

Minsan ‘yan nalang ang opsyon mo, minsan ‘yan nalang ang solusyon sa problemang dinadala mo. Pero kalimitang iniiwasan at tinatalikuran, tinatakbuhan at ipipilit na may mas babagay pa, na may mas maganda pang gawin. Lalabas lahat ng sipag at tyaga mo, maipilit lang na hindi pa huli ang lahat, na hindi lang dito matatapos ang lahat.

Pero kung ito na nga lang talaga, wala ka ng magagawa kun’di tanggapin nalang na kailangan mong tanggapin nalang ang mga bagay-bagay. Mahirap, masakit, nakakalungkot.. pero wala namang natatapos nang walang nagsisimulang bago. Walang mali sa pagkapit at sa pagpapakita na kaya mo pa.. pero wala rin naman sigurong mali kung hahayaan mong malaman ng sarili mo mismo kung ano nga ba ang mayroon kung wala siya. 

Masasaktan ka, at siguro pati siya, pero ang importante kahit papano makakahinga. 

Mga bata lang kami na katulad ng iba na nagkakamali, tumatawa, natututo at nasasaktan.

Hindi ako bobo o isang hipokrito, tanggap ko kahit anong gawin ko sadyang hanggang “dito” lang muna ang kaya ko. Pero hindi ibig-sabihin no’n hindi ako natututo, hindi rin ibig-sabihin no’n na lahat ng ginagawa ko para sa’kin ay tama lang at walang mali. Tao lang rin ako na nagkakamali.

Tatawa ko kung masaya ko, iiyak kung malungkot at matutulog kung inaantok. Umabot man ng sisenta ang edad ko mananatiling may isang bata sa loob ko. Kaya dahan-dahan naman sa pagsasalita, hindi naman ako bato na walang nararamdaman at lagi nalang nakatulala. Dahil katulad mo lang rin, bata lang rin ako napinipilit matuto at mas maging mabuting tao kaysa sa kung sino man ako.

‘Wag kang magsasawa.

Puro nalang iwanan. Puro nalang “nagsasawa na ‘ko.” Puro nalang simula na hindi man lang mabigyan ng matinong katapusan. Maiiwan sa ere at mag-iisa, tapos pipiliting makapagmove-on hanggang sa magpaparamdam ka uli na parang kabuteng nang-aasar at muli akong maguguluhan, kakapit at masasaktan. Lagi nalang halos, lagi nalang “almost.” Matuto kang makontento, lalo na kung ikaw rin naman ang humingi neto. Hindi naman tayo freebies sa mall o free-trial applications, kaya sana ikaw rin. Kumapit ka man lang, at kung tatapusin mo man.. sana sa matinong paraan.

Look at who they really are.

People judge without thinking, people believe shit without even looking and people try to turn a blind eye to harsh truths as they accept beautiful lies told to them. Why not judge with what you know as the only basis of the judgement you could make? Believe what you really know is true and know how to tell what’s a rumor and what’s not? Why not stop running away and try to fight for your sake even just a little? Why not think before you talk.

Wala na, wala na..

Wala ng tumatagal sa mundo dahil wala ng nagtitiis ng tulad noon. Wala ng nagtitiis tulad noon dahil wala ng nagpapakita ng rason para gawin ‘yun ‘di tulad noon. Wala ng nagpapakita ng rason para magtiis ang iba at kumapit pa dahil sobrang uso na ng lokohan at gamitan ‘di tulad noon. 

Gano’n nalang ba, wala na kung wala? Tapos na kung tapos, ipipilit na kumapit kahit patalikod, kahit mas masaktan habang hindi alam ng rason, habang ang kalokohan at panggagamit ay bulgar naman. 

Ganyan nalang? Wala na? Wala na..

Your shit, his shit, and her shit.

People will claim they’re just concern about you, that they just want you to have a “better” life, and that what you’re doing is wrong. But I don’t get the reason why they should force you to accept what they believe and think the way they think when you have your own. There’s the law for peace and order which should be followed. But as for the morals, tradition and culture, that’s for you to decide. 

They say no to violence but they’re the ones using force to “stop” such acts.They say no to discrimination but they’re the ones giving “limitations” to their own.  They say you should do this, and you shouldn’t do that but they can’t even give a clear explanation why you should in the first place. 

People will act the way they want to, do things they want to, and say thoughts they want to. No matter if there’s law against “it” or not.

Umiiyak ka nanaman.

‘Yan ang karamihan “ata” sa’tin e nasabi na ng karamihan “ata” sa barkada natin. Lintek na pag-ibig kasi ‘yan, papatawanin at papasayahin ka, tapos ibabagsak ang lungkot at iyak sa huli. Parang gago lang, nang-aasar.

Pero kahit paano mabuti-buti na rin, at least habang maaga pa, kahit papano, kahit medyo tumagal na rin ng konti, hindi pa huli ang lahat. Pwede pang maitama ang mali at pwede pang maiayos ang lahat. 

Ayos lang rin naman pala. Mamamaga ang mga mata, mauubos ang luha, sisimangot at idadaan sa kain at paggala. Lessoned learned, ika nga. Lessoned learned nga ba? Siguro, maari, pwede.. ewan? Ay teka, umiiyak ka nanaman.

Kalokohang pag-ibig.

Ilang beses ko ng nasabi, pati ng ilang tao, pati ng kung sino mang sikat dito, na ang pag-ibig e magkahalong sarap at sakit, saya at lungkot..tawa at iyak. Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit dapat gano’n. Madrama, nakakainis, pero ‘pag pinag-isipan mo pa tatawa ka naman bigla. Nakakabaliw, mawawala ka sa sarili.

Enlightenment ang kailangan. Maliwanag panandalian sa mga kabaliwan ng buhay, kalokohan na gawa ng tao.. usapang pag-ibig, gawaing pag-ibig, at siyempre ang hindi naman nawawala.. Buhay pag-ibig.

Kahit single halos walang kawala. Dahil kahit single may crush, affection pa rin in a way or too. Pwedeng childhood love, past lover, o katulad ng iba na iniimagine.. or rather gumagawa ng sarili nilang perception sa kung sino ang magiging “forever” nila in a way na gusto nilang “maging” forever nila.

At katulad ng anon na nagsabi noon, o ng kung ano ang nasasabi ko ngayon.. wala naman halos kwenta ang sulat na ‘to. Hindi ko alam kung may makakakuha ng pinapagsasabi ko rito na magsisimula naman sa tanong na kung may magbabasa man lang nga ba nito. Paulit-ulit.. munggago.

Mahirap na sumabak sa pag-ibig ngayon.

Uso na ang gamitan, talamak ang lokohan. ‘Yung dating matatamis na salita noon ay ngayo’y kasinungalingan na lang. ‘Yung pambobolang ginagamit para magpakilig sa iba na sana para parehas kayong sumaya, ngayon ginagamit nalang para mapaikot ang damdamin ng isa. Stick-to-one ang batas noon, ngayon halos karamihan paramihan ata ang ginagawa. Ang dating karamihan e faithful at loyal ngayon e kalimitang manloloko at manggagamit lang. Hay.. panahon nga naman. Bilis magbago.

AAAAAHHRRRRRRGGGG!

Wala lang. Walang dahilan, walang kahit anong rason, basta gusto ko lang ilabas yung nararamdaman ko, mapatuwa, galit o lungkot man ‘yon. Kaso dahil tao lang, nahihiya rin, kaso dahil tao lang, nag-aalangan din, kaso tao lang.. nagpipigil rin.

Masakit na mahirap na ewan ang pakiramdam. Hindi mo alam kung anong gagawin mo, ‘yung naiisip mo na kahit sana kaunti e mabawasan ang laman ng dibdib mo, bagaheng mabigat na sumisira sa araw mo at sa darating na mga araw pa, wala lang, wala kang alam at naiisip na paraan, basta ang gusto mo lang e mailabas lang.

Sarap siguro sa pakiramdam kung mabawas-bawas ang hiya ng tao pati na rin ang masyadong pakikialam, ‘yung feeling na wala naman masyadong magsasabi ng masama kung isigaw mo, iiyak mo o itawa mo ang dala-dala mong nararamdaman. Kaso hindi, tao lang.

Isa lang talaga.

klydexd:

Isang ngiti mo lang, kompleto na araw ko. ‘Yung feeling na ibang-iba ka, feeling na hindi mo lang ako napapangiti at napapasaya, basta, ibang-iba. Isang ngiti mo lang, tawagin mo ng mababaw na nila kong mababaw na tao, pero sadyang parte na ng tuwa ko ‘yang ngiti mong kumukompleto sa araw ko. Hindi naman talaga kailangang pang i-explain kung ano na ‘yung nararamdaman ko, basta ang alam ko, isang ngiti mo lang nababaliw na ‘ko. Wala naman sigurong mali kung kahit maliit na bagay lang e kaya na ‘kong pangitiin, ano pa bang magagawa ko kung nahulog na. Basta talaga, isang ngiti lang, isang ngiti lang talaga… kompleto na.

Konting kiliti.

Gusto kong kamutin, kaso hindi pwede. Hindi naman kasi sa balat, kun’di sa loob, loob as in feelings. Daig pa ‘yung naiihi, na may halong konting kirot, feeling na para kang kinikiliti. ‘Yung kahit ba may konting kirot, hindi mo alam na may konting kirot? Hindi mo na kasi napapansin, para sa’yo, wala nalang ‘yun. Bakit? Masaya ka kasi, na medyo nababaliw, kinikilig. Blangko ang utak mo, walang ibang iniisip kung hindi siya, siya, at siya nanaman. Minsan, nasosobrahan pa at namumula ang mga pisngi, sasabayan pa ng pagngiti na abot langit.

‘Yan ang feeling mo t’wing nanryan siya, naiinis ka na nga kahit papano dahil hindi mo nanaman alam kung bakit siya, sa lahat ng tao, ang dahilan. Nawawala ka sa sarili, at hindi mo maalis ang tingin mo sa kanya, lumalala pa ‘yan ‘pag nandyan ang tropa na hihirit ng, “Ayiiiiiiiiiiiiiiiiiiieeeeeeeeee.”

Oops, may naalala siya.

Don’t just take her actions for granted.

There’s no effort. That’s what some of us usually say. But is there really no effort? Or we just can’t see it because we want a better one. It’s true that some actions of guys are being taken the negative way. But the same goes for the girls. They make simple gifts, simple efforts, and sometimes express their feelings in a simple way, but often ignored. Don’t just look for the “better,” but try to look to at the “good” things you have now. It’s normal to ask for more, to ask for the better, but how can you say you could take care of the better one when all you do is complain, not being able to see her efforts.. or even the pain she’s trying to keep just to make you smile.

Isa lang talaga.

Isang ngiti mo lang, kompleto na araw ko. ‘Yung feeling na ibang-iba ka, feeling na hindi mo lang ako napapangiti at napapasaya, basta, ibang-iba. Isang ngiti mo lang, tawagin mo ng mababaw na nila kong mababaw na tao, pero sadyang parte na ng tuwa ko ‘yang ngiti mong kumukompleto sa araw ko. Hindi naman talaga kailangang pang i-explain kung ano na ‘yung nararamdaman ko, basta ang alam ko, isang ngiti mo lang nababaliw na ‘ko. Wala naman sigurong mali kung kahit maliit na bagay lang e kaya na ‘kong pangitiin, ano pa bang magagawa ko kung nahulog na. Basta talaga, isang ngiti lang, isang ngiti lang talaga… kompleto na.