Simpleng mga paalala at dapat sundin sa landiang halos sa araw-araw, oras-oras, minu-minuto at segu-segundo ay nagaganap. Simple, pero hindi madali para sa mga natural-born .*~m@hLaNd0Tz~*. Simple, pero hindi ko alam kung bakit ang daming nakakalimot.. o sadyang ayaw sumunod sa tama.
Sa mga nanglalandi, siguraduhing:
• Single ka, at single siya.
• Nanglalandi ka, hindi ka nangliligaw. Kaya kung sakaling dun tumuloy, easy lang.
• ‘Wag na ‘wag kang mahuhulog. Nanglalandi ka, ‘pag ikaw nahulog, talo ka.
• Tamang landi lang, ‘wag masyadong maharot.
Sa mga nilalandi at nakikipaglandian naman, siguraduhing:
• Single ka, at single siya.
• Nilalandi ka, hidni ka nililigawan. Kaya kung tuluyan kang mahulog, easy lang.
• Kung sakaling mahulog ka na talaga, wala ka ng magagawa. Pero pwede ka namang dumistansya ng konti sa kanya.
• Landian ‘yan, hindi libugan. ‘Pag kumagat ka, patay.
OO. Inulit ko lang ‘yung firsts ng dalawang ‘yan, pero ‘yung mga firsts na yan, yang mga ‘yan mismo ang kalimitang NAKAKALIMUTANG ALALAHANIN AT ISIPIN.
