Mayroon ka ba niyan? Syempre naman. Lahat naman tayo halos mayroon niyan. Ang tanong, naiintindihan ba nila, o kahit ikaw pa mismo, ang halaga mo? Halaga mo in a sense na, kung paano ka talaga dapat tinatrato, minamahal, kinukulit, nilalambing, o pinapakilig. Kung medyo malungkutin ka, isama mo na ang pangloloko ng iba, panggagago ng mga “ex” mo, at panglalait ng ibang taong akala mo alam ang istorya ng buhay mo.
Papasok pa bigla.. “..umiiyak ka nanaman. Langya talaga wala ka bang ibang alam. Namumugtong mga mata.. kailan pa ba kaya ikaw magsasawa sa problema na iyong pinapasan, hatid sa’yo ng boyfriend mong hindi mo maintindihan..”
ARAY. Tinamaan na sa kanta, tinamaan pa sa kanya. Medyo malabong, makulit, madrama, maharot, matamis, at maasim na istorya. Nahulog na sa pambobola, nahulog pa sa kanya, tapos may nakakaputang-inang ending pa na hindi ka niya sinalo. Fall for you ang drama, sa sahig nga lang nagkatotoo ang kanta.
Ang haba na pala, pero keri na ‘yan. Dahil kung hindi mo nakikita ang sarili mo sa pinapagsasabi ko, malamang may kakilala ka naman na nakikita mong ganyan ang istorya sa buhay. Mala-martyr ba ang trip. Nagpapakatanga para sa ilan, nagmamapilit para sa ilan, at nagpapakagago para sa ilan.
Hindi ko ba alam. Ang labo ng peg-ebeg sa panahon ngayon. Give love ang gusto, receive lang naman ang ginagawa. Gahaman? Sugapa? Pwedeeeeeee~.
”..Medyo malabo yata ang mundo.. binabasura ng iba ang siyang pinapangarap kooo~..”
Kung lahat ng tao may halaga, dapat lahat din ng tao may karapatang malaman ang halaga nila. Kaso minsan nagbubulag-bulagan din kaya hindi mo masisi o masabing nagpapakatanga. “In-love e..” May susulsol pa na kaibigan, “Kaya mo ‘yan!” Hoshet naputang-ina na.
Kung nakarating ka sa parte na ‘to, o sadyang napansin mo lang dahil sa nasa bandang ibaba na ‘to, cooooooool. Drama. Itigil ‘yan.
Tags: #putang ina ang haba. #Thoughts #may babasa kaya nito?
-
notoriousdale said:
Wtf? isinulat mo un pinagusapan kagabi ah haha
-
extralangsabuhaymo liked this
-
klydexd posted this
