‘Yan ang tingin ko sa ilang Pilipino. Inuuna ang emosyon at pakikisama kuno kaysa sa pag-iisip ng tama. Nauuna lagi ang paghusga sa pagtingin sa kung alin nga ba ang tama. Parang ang isang sulatin na uunahing tignan kung sino ang may-akda kaysa sa nilalaman, mas naiisip kasi ang kasikatan ng sumulat kaysa sa nilalaman.
Hindi pa natatapos ‘yan at baka hindi na matapos ‘yan. Nasanay na kasing tumingin sa kapintasan ng iba kaysa sa kung ano ang dapat ayusin sa sarili nila. Nahaluan pa ng pag-uutak na walang magandang lokal at walang panget na foreign.
Kung umabot ka rito, salamat dahil kahit papano ay binasa mo, dahil tulad ng sulatin na ‘to na marahil ay isnabin ng iba dahil masyadong seryoso. O baka dahil sa hindi sikat ng sumulat? Panget ang pamagat? O baka sadyang tinatamad.
Pero wala na tayong magagawa, pagkahaba-haba man nito ay wala rin namang saysay kung walang magbabasa. Pusta ko ang ilang hindi pa umabot dito ay bansag na sa’kin. ‘Yan ang masakit.
