Karamihan sa mga lovers, ‘pag nagawan ng kalokohan, kasalanan, o katarantaduhan ng isa, ang nasa isip agad bumawi. Puro nalang dapat pantay, puro nalang dapat fair, puro nalang “e kasi siya e.” Wala kayong mapapala kung maggagantihan lang kayo, dahil malamang ang ending, hiwalayan na parehas niyo namang ayaw. Matuto kang magpatawad at humingi ng pasensya, mahal mo siya e. Matuto kang umintindi at ipaintindi ang sarili sa kanya, mahal mo e.
Oo, masakit ‘yung feeling na ginago o ginagago ka lalo na kung ang taong gumawa pa nito e ‘yung mahal mo at pinapagkatiwalaan mo pa. Pero sayang e, malaki ang sayang. At para sa pinatawad, hindi libre ang pasensya ng tao. ‘Wag mong sayangin dahil lang sa mga walang kwentang kalokohan mo.
+
Thursday February 9th
